Ubos na stipend ko, 3 days palang

Hindi ko na alam gagawin. Nakakapagod na maging mahirap. I’m a new jlss scholar, got my stipend few days ago, pero lahat yun nalusaw na. Nung nalaman ng parents kong dumating na, winithdraw paunti unti para ibayad sa mga utang nila. Baon na baon sila sa utang dito samin at yung stipend ko yung nakita nilang pag asa para kahit papaano makalaya don.

Akala ko secured na ang future at education ko since naging scholar nga. Akala ko, hindi na ako magwoworry sa pamasahe at pagkain sa susunod na sem. Akala ko rin may pangbayad na ako sa expenses at school fees. Wala manlang ako nabili para sa sarili ko.. hindi ko manlang naramdaman, kahit pang celebrate kasi nalampasan ko yung finals tapos top student din. Wala na lahat. Kahit gaano katagal ako tulala dito, kahit ilang pagtanggi sa parents na ayaw kong ibayad sa mga utang yung pera, wala akong magawa kasi kailangan.

Pagod na ko maging mahirap. Gusto ko rin ng komportableng buhay, yung hindi iisipin san didiskarte ng pamasahe makapasok lang sa university. Pagod na ko mag academic commission, ayaw ko na mag sakripisyo ng tulog kakagawa ng schoolworks ng iba para may pang bili ng tinapay.. kailan pa ba matatapos to